Ni Melrose Manuel
ISINUGOD kahapon sa ospital si Senador Ramon “Bong” Revilla na kamakailan lang ay nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng asawa ng senador na si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa kanyang Facebook post kung saan lubos na kailangan na ng kanyang asawa ang hospital care.
Batay aniya sa pinakabagong x-ray ni Revilla, nakitang nagka- pneumonia na ito at hindi na ideal ang isolation sa regular facility. Dahil dito, humiling ng dasal si Mayor Lani para sa kanyang asawa.
Magugunitang Agosto 9 nang aminin ng senador ang pagpositibo niya sa COVID-19.