Ni Bernard Ferrer
TATLONG rebelde ang sumuko sa militar at pulisya sa General Nakar, Quezon.
Kinilala ni Lieutenant Colonel Jesus Diocton, Commanding Officer ng 1st Infantry Battalion ang mga sumuko na sina Joven Retena Alyas Hamin, Pascual Retena Jr. Alyas Olik at Geralyn Gurango Alyas Bea.
Sila ay bahagi ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
Ayon kay Major General Arnulfo Burgos Jr., Commander ng 2nd Infantry Division, sumuko ang tatlo matapos mapatay ang dalawang mataas na lider ng NPA sa Kalayaan, Laguna.
Inayos na rin ng 2nd Infantry Division ang pagpasok ng 604 na mga dating rebelde sa Calabarzon at Mimaropa sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.