Ni Melrose Manuel
MULING naging bokal ang international popstar na si Taylor Swift sa kaniyang opinyon sa pulitika.
Sa kaniyang personal twitter account, binatikos ni Taylor si US President Donald Trump patungkol sa hakbang nitong huwag pondohan ang US Postal Service (USPS).
Giit ni Taylor, ginawa ito ni Trump upang mapabagal ang inaasahang pagdagsa ng mail-in ballots sa Nobyembre.
Kasunod nito ay nanawagan ang popstar sa kaniyang mga fans at sa publiko na maagang bumoto para sa eleksyon para masigurong mabibilang ang kanilang boto.
Ang naturang pahayag ni Taylor ay kasabay na rin ng pag-ulan ng alegasyon laban sa US federal government patungkol sa pagmamanipula ng USPS.