Ni Jonnalyn Cortez
KUNG madali kang tubuan ng taghiyawat, lalo na kung gagamit ng bagong produkto, malamang isa ka sa mga may sensitibong balat.
Napag-alamang parami nang paraming babae ang mayroong sensitibong balat, kaya naman nagiging mapili sila sa uri ng produktong ginagamit. Importanteng malaman kung anong produkto ang aakma sa iyong mukha at kailangang maging consistent sa paggamit nito.
Kaya naman, narito ang ilang tips upang makamtan ang pinaka inaasam-asam na makinis na kutis.
Maghilamos nang malumanay
Huwag madaliin ang paghihilamos. Dahan-dahang masahiin ang mukha habang sinasabon at siguraduhing nalinis ang lahat ng bahagi. Pumili ng soap-free cleansing lotion na panghilamos para sa may sensitive skin.
“Creamy cleansers don’t bubble up, so they won’t strip the oil from your skin,” wika ng dermatologist at assistant professor mula sa University of Ariz na si Vivian Shi. “Start with the forehead and work your way down, then splash and rinse well until there’s no residue.”
Alagaan ang mata
Ang paligid ng iyong mata ang may pinaka manipis at sensitibong balat sa buong mukha. Bunsod nito, kinakailangang gumagamit ng eye cream upang ito ay ma-moisturize at maprotektahan.
“I definitely recommend using one, especially for sensitive skin types, which are often drier and more prone to allergen entry to begin with,” pahayag ni Shi.
Pumili ng lightweight at hypoallergenic na moisturizer para sa mata na makakatulong protektahan ito mula sa mga posibleng irritants.
“Eye products should be applied before you put moisturizer on the rest of your face,” dagdag ni Shi. Idampi-dampi ang moisturizer sa paligid ng mata gamit ang hintuturo hanggang matuyo upang maging mas maganda ang epekto nito.
Gumamit ng moisturizer
Mas maganda umanong gumamit ng “heavy” moisturizer sa gabi dahil nagiging mas sensitibo ito sa ganoong oras.
“Skin is the most vulnerable at night when the barrier function is the least effective. It doesn’t have the same defense mechanisms as we do during day, so it needs extra protection,” paliwanag ni Shi.
Ugaliing suriin ang labels ng pipiliing moisturizer at tiyaking mayroong ingredients na rice extract at natural oils na nakakatulong targetin ang mga isyu ng sensitibong balat.
Hindi madaling magkaroon ng sensitibong balat. Gayunpaman, maraming paraan upang mapangalagaan ito. Kailangan lamang maging consistent sa paggamit ng mga produktong mapipili.