Ni Melrose Manuel
MULING mauudlot ang nakatakdang pagbabalik-ensayo ng mga koponan sa Philippine Basketball Association o PBA.
Ito ay dahil sa muling pagsasailalim sa Metro Manila kabilang ang ilang karatig-probinsya sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ na nagsimula na ngayong araw.
Ayon kay Games and Amusements Board Chairman Abraham “Baham” Mitra, mula Agosto a-dose ay ipagpapaliban ang training ng PBA sa pagtatapos ng MECQ sa Agosto a-dise otso.
Magugunitang una nang pinayagan ng IATF ang hiling ng PBA kabilang ang Philippine Football Federation na muling makabalik sa pag-eensayo.