Ni Melrose Manuel
BINATIKOS ng ilang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Middle East ang panukalang taasan ang premium contributions nila sa PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care o UHC Law.
Ayon sa mga ito, kalabisan at pahirap ang 3-5% na premium increase kada buwan lalo pa at doble ang dagok sa kanilang kabuhayan ang idinulot ng COVID-19 pandemic.
Kinondena rin ang hindi makatarungan na pagpapabayad sa mga OFW sa parehong employer at employee share sa PhilHealth contribution.
Dito sa Pilipinas, magkahati sa pagbabayad sa premiums ang manggagawa at ang employer nito.
Pero ang mga OFW, walang kahati at binabayaran ng buo ang kontribusyon.
Kaya panawagan ni Ople, bawiin na muna ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng UHC Law para makaluwag ang mga OFW.
Inamin naman ng PhilHealth na bumagsak ang kanilang koleksyon sa kontribusyon ng mga OFWs.
Sa datos ng PhilHealth, mula sa 3 million OFWs na nasa kanilang database ay 320,000 OFWs na lamang ang kanilang nakokolektahan ng premiums ngayong taon.
Kasunod narin ito sa naging direktiba ni Pangulong Duterte na gawing voluntary na.