Ni Melrose Manuel
SUMASAILALIM ngayon sa self-quarantine ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medalist na si Usain Bolt.
Ito ay matapos siyang magpa-COVID-19 test nitong weekend dahil sa paglabas ng balitang nagpositibo umano ito sa naturang sakit.
Sa video message naman na pinost ni Usain, nagulat na lamang siya sa naturang balita.
Dagdag naman ni Bolt, wala siyang kahit anong sintomas ng virus ngunit mas minabuti nitong mag-quarantine habang hinihintay nito ang resulta ng kanyang test.
Matatandaan na noong nakaraang Agosto a-21 ay ipinagdiriwang ni Bolt ang kanyang 34th birthday kung saan dinaluhan ito ng maraming partygoers na hindi nakasuot ng mask at hindi rin naka physical distancing sa isa’t isa.