Ni Vhal Divinagracia
VOLUNTARY Enhanced Community Quarantine ang nakikitang solusyon ni Dr. Tony Leachon para mapababa ang bilang ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inihayag ng dating adviser ng task force COVID-19 sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani pa Leachon, panahon na upang disiplina na ang ipapairal ng publiko.
Nakakatulong din ang mas maigting pang pag-implementa ng mga health standards ng gobyerno.
Nilinaw naman ni Leachon na hindi nya sinisisi ang publiko sa pagsipa ng bilang ng COVID-19 cases subalit dapat ding sumunod nalang ang tao sa mga alituntunin na inilabas ng pamahalaan.