Ni Melrose Manuel
BUBUKSAN nang muli ng Commission on Election ang voters registration bukas, Setyembre a-uno.
Ayon kay Comelec Director at Spokesman James Jimenez, bubuksan lamang ang registration sa lahat ng GCQ, at MGCQ areas at sa lugar na walang community quarantine.
Gayunpaman, strikto namang ipatutupad ang minimum health standard sa lahat ng Comelec office.
Bukas naman ang tanggapan ng Comelec sa araw ng Martes hanggang Sabado, maging sa araw ng holiday simula sa alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Kaugnay nito, muli ring bubuksan simula bukas ang overseas voter’s registration.
Inaasahan namang aabot sa 3 hanggang 4 milyong botante ang magpaparehistro hanggang sa susunod na taon.