Ni Pol Montebon
SIMULA ngayong araw Setyembre 9, madaragdagan pa ng 1,006 traditional jeepneys ang bibiyahe sa 10 ruta sa Metro Manila matapos itong aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-43, may kabuuang 16,213 traditional jeepneys na ang bibiyahe sa 178 ruta sa Metro Manila.
Dagdag pa ng LTFRB, hindi na kailangan ng mga jeepney driver na kumuha ng special permit para bumalik-pasada, ngunit kailangan nilang gumamit ng downloadable QR (quick response) code para mapatupad ang safety standard.
Kasama sa safety standard ang 50% capacity at “no mask, no face shield, no entry” policy.
Bukod pa rito, kinakailangan din na kuhanan ng temperatura ang mga sasakay at magkaroon ng social distancing sa loob ng sasakyan.
Pinapayagan na ring pumasada ng LTFRB ang 3,761 bus sa 32 ruta; 1,905 UV express sa 59 ruta; 379 point-to-point bus sa 34 ruta at 786 modern jeepneys sa 45 ruta.