PINAS TEAM
AABOT sa 3-bilyong piso ang inilaan ng Department of Tourism (DOT) para sa displaced workers ng tourism industry dahil sa pandemya.
Ito ay upang pondohan ang “cash for work” program ng ahensya na naglalayong matulungan ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pag-iral ng travel restrictions.
Kasamang bubuo ng DOT ng guidelines para sa naturang programa ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang masala ang karapat dapat na benipisyaryo ng cash aid.
Tiniyak ng DOT na kanilang aasistahan ang mga tourism industry workers ngayong panahon ng krisis.
Tinatayang mahigit 10 bilyong piso ang inalokang pondo sa tourism recovery sa ilalim ng Bayanihan 2 kungsaan 6 na bilyong piso ay ilalaan para sa working capital loans ng small business corporation ng DOT.