Ni Pat Fulo
TULOY pa rin ang much awaited Philippine concert ng singer-songwriter na si Alanis Morissette.
Sa social media, inanunsyo ni Alanis ang bagong petsa ng kaniyang 2-day concert sa bansa na gaganapin sa susunod na taon.
Idaraos pa rin sa Mall of Asia Arena ang naturang concert na isasagawa sa Disyembre a-7 at a-8 ng taon 2021.
Binigyan naman ang mga ticket holders ng pagkakataong mag-refund hanggang Setyembre a-30 kung ninanais nito.
Magugunitang ipinagpaliban ang naturang concert ng hitmaker noong Abril a-6 at a-7 dahil sa pandemya.
Taong 1996 pa nang huling nag-perform sa bansa si Alanis para sa kaniyang “Such Pretty Forks in the Road” Tour.