Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA huwag lumapit sa akin at magsabi, “Kami ang tagapagligtas ng aming lipunan.” Kayo ay mga mapagkunwari sa lipunan. Makinig sa akin dahil hindi ko lamang kayo tuturuan kung paano maligtas sa espirituwal. Tuturuan ko kayo kung paano maging mabuting mamamayan ng anumang bansa na naroroon kayo.
PAGTUON SA AMA SA PAMAMAGITAN NG ANAK
Efeso 4:13-14
13Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kupuspusan ni Cristo:
Kaya kung kayo ay naisilang muli sa espiritu sa pagsunod sa Kalooban ng Ama, hindi na kayo mag-tutuon sa inyong sarili. Nakatuon na lamang kayo sa Ama sa pamamagitan ng Anak. Kaya hindi ninyo masasabi, “Didiretso na lamang ako sa Ama. Hindi ko na kailangan ang Hinirang na Anak. Didiretso na lamang ako kay Jesus Christ.” Kapag ginawa ninyo ‘yan, sasabihin ni Jesus Christ, “Alam niyo ba na humirang na ako ng isang Anak kungsaan ay maaari ninyong puntahan?” Kanya kayong ituturo sa akin at sasabihin Niya, “Kung hindi man lang kayo makatalima sa aking Hinirang na Anak na inyong nakikita, paano ninyo sasabihin na makatatalima kayo sa akin na hindi ninyo nakikita? Mahigpit ako kaysa sa aking Anak. Kung tutungo kayo sa akin parang gumamit lang kayo ng kuryente na walang transformer.”
BAKIT KAILANGAN NATING NAKATUON SA ANAK
Kung kayo ay may mahina ang loob, ano ang sasabihin ninyo? Mas mahigpit pala ang Ama kaysa Anak. Dito na lamang ako sa Anak. Naiintindihan ko pa ang inyong kahinaan pero ang Ama kapag dumiretso kayo sa Kanya, ang tanong, “Sumusunod ka ba sa akin o hindi?” Kapag hindi niyo ito masagot ng positibo, tutungo kayo doon sa dagat-dagatang apoy. Wala ng pagkakataon pa. Sa akin, may pagkakataon pa kayo. Kahit na nakapagsisi na kayo, mayroon pa kayong pagkakataon.
Bakit kailangan nating nakatuon sa Anak? Dahil ito sa paglago ng espiritu. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi…
14Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian.
Kaya nag-imbento sila ng doktrina upang malinlang kayo. Kaya huwag nang maging bata pa, na napapahapay dito’t doon; ang inyong isipan ay nanatiling napakahina naniniwala kayo sa sinumang tao. Kaya huwag magpadala kagaya ng sinabi ko noong una kong mensahe, huwag kayong magpadala sa maraming bersikulong tinuturo sa inyo, “Ang Bibliya ang sasagot. Itanong mo, ang Bibliya ang sasagot.”
ANG ANAK ANG MAGTUTURO NG PAGSUNOD SA KALOOBAN NG AMA
Hindi na tayo ganyan. Lagi nating itanong sa sinuman na magturo sa atin. “Tinuturuan niyo ba kami sa pagsunod sa kalooban ng Ama o hindi?” Kung hindi sila makapagsasagot ng positibo, lalayo na lamang kayo dahil naroroon sila upang linlangin kayo. Hindi na makapaglilinlang sa inyo ang mga relihiyon at denominasyon ng kanilang mga rituwal, ng kanilang mapang-akit na rituwal na kanilang ginagawa, banal sa labas ngunit pagdating sa katuturan ng pagsunod sa Kalooban ng Ama, hindi nila ito maipresenta, wala silang maipresenta, mga rituwal lamang.
Halikayo sa lugar na ito kungsaan naroon ang Anak. Ang unang bagay na malalaman ninyo ay tuturuan ko kayo ng pagsunod sa Kalooban ng Ama. Tuturuan ko kayo ng pagsisisi.
Mga Taga-Filipos 2:9-11:
9Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan:
10Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
11At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesu Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Lahat ng may tuhod ay luluhod. Lahat ng may dila ay magpahayag na ang pangalan ng ating Dakilang Ama ay pangalan higit sa lahat ng pangalan. Alam ba ninyo na mayroon na Siyang bagong pangalan? Kaya, iyan ang dati Niyang pangalan –Jesus Christ ang dati niyang pangalan. Hindi nangangahulugan na Kanya itong binago. Iyan lamang ay ang Kanyang unang pangalan. Alam ba ninyo na mayroon na Siyang bagong pangalan? Ano ang Kanyang bagong pangalan? Ipapahayag ko sa inyo ang Kanyang bagong pangalan. Kapag kayo ay maging anak na lalaki at anak na babae ng Ama, makikilala ninyo ang pangalan na ‘yan.
ANG IBA’T IBANG ANTAS NG PANANAMPALATAYA
Tingnan natin ang iba’t ibang kapanahunan ng pagkasunod-sunod na pangyayari ng pananampalataya. Pagsalugsog sa binhi ng Dakilang Ama sa kalipunan ng nagkasalang lahi ni Adan na dumating sa iba’t ibang antas ng pananampalataya. Paunti-unti ang katotohanan hinggil sa Ebanghelyo ng Kaharian ay naipaliwanag.
Mark 4:26-29,
26At sinabi niya, Ganyan ang kaharian ng Diyos, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa;
27At nagtutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano.
28Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-una’y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.
29Datapuwa’t pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas, sapagka’t dumating na ang pag-aani.
Mayroon palaging panahon ng kinahantungan sa lahat ng bagay. Kapag kayo ay nagtanim ng binhi mayroon palaging kinahantungan ng pag-aani.
(Itututoy)