Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
PUMASOK kayo sa Grade 2. Sa gayon, lumago ang lebel ng inyong kaalaman higit pa sa Grade 1. Grade 3, Grade 4 kaya mayroong Grade 6.
Ngayon sa Kaharian, dadaan kayo sa mga lebel na ito. Sa pagkasanggol, kayo ay tuturuan ng lahat ng mga batas na ito. Ang mga sanggol ay sisipsip lamang ng gatas. Wala silang ginagawa. Wala silang ministry kundi ang kumain, umiyak, matulog, umihi at tumae. Iyan ang ministry ng mga bata. Hindi ninyo bibigyang sala ang mga bata dahil sa paggawa ng mga bagay na iyan. Sa katotohanan ay masaya kayo dahil palatandaan na ang bata ay malusog na kapag ang mga ito ay humihingi ng pagkain at gatas. Mga palatandaan din ng malusog na bata ay kapag sila ay umihi at tumae.
ANG ESPIRITUWAL NA PAGLAGO
Kapag hindi na tumae ang inyong anak, ‘yan ay delikado na. Sino ang tagapagligpit ng mga dumi ng bata? Ang mga magulang. Kaya kayo na mga bagong nabautismuhan at kayo na siyang kasangkapan sa kanila na pumasok sa Kaharian at maging kasama sa covenant, alagaan ninyo ang mga bata. Kapag nagkakalat iyan, kayo na ang bahala. Susundan ninyo sila. Tratuhin ninyo sila ng may pagmamahal kagaya ng pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak. Pagkatapos ay lalago kayo patungo sa Son-accountable.
Kapag ang isang bata ay dumaan sa elementarya, maraming bagay ang kanyang nalalaman. Kapag siya ay dumaan sa high school, mas maraming kaalaman pa ang napopondo sa kanyang isipan. Maaari na siyang tumayo sa sarili niyang paa. Maaari na siyang kumain nang sarili. Maaari na siyang makatayo sa mga kaalaman na kanyang natamo sa pamamagitan ng mga karanasan na kanyang nakuha sa mga paaralan.
Kagaya itong espirituwal na paglago. Ang Son-accountable ay nangangahulugan na nalalaman na ninyo ang Salita ng Panginoon na nararapat ninyong malaman. Kung gayon ay hindi na kayo sasailalim sa mga tagapagturo at tagapangasiwa tulad noong nagsisimula pa lamang kayo. Palagi nilang sinasabi sa inyo, “Gawin mo ito, gawin mo ‘yan,” hanggang sa ang mga batas na ito ay naitanim sa inyong mga puso at isipan.
Wala nang magsasabi sa inyo, “Gawin mo ito, gawin mo ‘yan,” dahil kayo na ngayon ang magsasabi, “Gawin mo ito” at “Gawin mo ‘yan.” Kayo na ang magtuturo sa sarili ninyo. Kapag ginawa ninyo ‘yan, kayo ay tutungo sa ikatlong lebel – son and daughter placement – kungsaan ay maaari na kayong pagkatiwalaan ng Ama. Kayo ay magiging kagaya ko. Maaari ko na kayong pagkatiwalaan sa espirituwal na gawain ng Ama. Maaari ko na kayong ipadala. Wala na kayo sa hanay ng “ang anak ay isinilang.” Kayo ay nasa huling hanay na ng ‘ang anak ay ibinigay.”
ANG ANAK AY IBINIGAY
‘Ang anak ay ibinigay’ ay nangangahulugan na maaari ko na kayong pagkatiwalaan. Kung wala ako, makapaglalago kayo sa espirituwal na gawain dito sa mundo dahil kayo ngayon ay pinagkatiwalaan na kagaya ko. Hindi ninyo makikita ang Ama rito. Nakikita ba ninyo si Jesus Christ dito? Hindi ninyo makikita ang aking Ama. Ang aking Ama ay nasa loob ko at ginagamit Niya ako; Kanya akong pinagkatiwalaan at Kanya akong ibinigay sa sanlibutan. At inaalagaan ko ang Kanyang espirituwal na gawain.
Saan man ako tutungo, susulong ang Espirituwal na Rebolusyon, ito ay lalago at uunlad. Ang Rebolusyong Pinansyal ay lalago at ako ay maghahakot ng mga talento sa Rebolusyon ng Kahusayan kung saan ay aalisin ko ang espiritu ng pagka-estupido at kakulangan ng kaalaman.
Lahat ng mga anak na lalago ay magiging pagkatiwalaan ng Ama; sila ay magiging pinakamatalino; pinakatalento, pinakamahusay hindi para sa kanilang sarili dahil hindi na sila gumagawa para sa kanilang sarili. Sila ay matalino, may talento, mahusay para sa Kaharian ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Maaari silang makapag-ambag sa komunidad ng Ama na siyang ang bansang Kaharian. Maaari ko ba kayong mapagkatiwalaan sa ganyan? Kapag maaari ko na kayong mapagkatiwalaan sa ganyan, kayo ay kumpirmado ng anak na lalaki at anak na babae, isa sa mga may-ari ng Kaharian ng Langit dito sa lupa.
AKO ANG INYONG MODELO
Mayroon kayong mga ehemplo pagkatapos ko. Kung anong mayroon ako mayroon din sila. Kung wala ako dito, sila ang mangangasiwa rito dahil sa kanila ito. Hinahawakan nila ang malaking pinansyal na responsibilidad. Nagnakaw ba sila? Kapag ninakaw ninyo ito kayo ay utusan. Bakit ninyo nanakawin ang isang bagay na pagmamay-ari niyo? Pangasiwaan lamang ninyo ito. Pamahalaan ninyo lamang ito. Para sa ano? Para sa espirituwal na gawain ng Ama dito sa lupa. Ang mga mabubuting anak na lalaki at anak na babae lamang ang maaaring pagkatiwalaan ng Ama. Sino ang inyong modelo? Ako ang inyong modelo.
Kaya sa pagkakaalinsunod nito, una ang Hudyong pananampalataya. Kanyang unang tinawag ang Hudyo. Ito ang panahon kung saan ang mga propeta ay tinawag upang ihatid ang mensahe ng Ama. Datapuwa’t sa huli, itinakwil ng Israel ang Panginoon bilang kanilang Hari. Tingnan ninyo? Ang kanilang Hari ay ang Panginoon. Pinili Niya sila dahil sa pag-ibig, “Ako ang magiging Hari ninyo.” Ngunit sa huli ay kanila Siyang itinakwil. Mayroon silang pagpili. Kanila Siyang itinakwil.
(ITUTULOY)