Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG tatlumpu’t limang taon ay kagaya lamang ng kahapon. Naalaala ko pa nang malinaw ang araw na iyon kung saan ang Ama mismo ang pumili ng isang Hinirang na Anak para sa isang layunin, at alam ninyong ang layunin ay kayo.
Kayo ang layunin ng pagpili na iyan. Ang kaligtasan ng sangkatauhan ang layunin ng pagpili na iyan. Kanyang ipinagkaloob ang isang binhi at mula sa isang binhi ay maraming binhi ang siyang magdadala sa buhay ng Dakilang Ama na maipadadala sa mundong ito, na walang ibang nalalaman kundi tanging ang Kalooban lamang ng Ama.
Ako ay nagsasalita patungkol sa atin, na bumalik sa pagkabirhen ng ating layunin kapag tayo ay bumalik sa estado na iyan o ang estado ng pagkainosente, kung saan wala tayong ibang nalalaman kundi ang Kalooban ng Ama.
PANGUNAHING LAYUNIN NG PAGLIKHA NG TAO
Sa ganun, tayo ay bumalik sa pangunahing layunin na kung bakit ang tao ay nilikha sa Hardin ng Eden; na kahit na tayo ay nakaupong magkatabi, kahit na tayo ay pinaghalo-halo, ang ating isang layunin ay nanatiling pareho —ang gawin ang Kalooban ng Ama, simula sa Hinirang na Anak, mga kapatid, ito ang dahilan kung bakit Kanya akong pinili —ang mag-alay ng isang katawan at ang katawang iyan ay maging modelo sa paggawa ng Kalooban ng Ama, ipangaral ang Kalooban ng Ama, turuan ang ibang tao na gumawa sa Kalooban ng Ama; at ang Kanyang dalangin ay nasagot na ngayon, natupad na.
Ang Kalooban ng Panginoon ay naganap sa mundo, kagaya ng ito ay naganap sa Langit. Kaya ang Langit ay dinala dito sa sanlibutan at kayo ang Bagong Sanlibutan ng Ama. Ang bumabalot sa atin ay ang Bagong Langit ng mga pagtuturo, ng mga doktrina, ng mga ideolohiya, ng espirituwal na ideolohiya na dinala sa atin ni Jesus Christ bilang ating Dakilang Ama. Wala ng iba pa na matatagpuan natin sa kaligtasan kundi ang paggawa sa Kalooban ng Ama.
Ilan sa inyo ang nakakaalam niyan? Na kapag walang pagsunod sa Kalooban ng Ama, ay walang kaligtasan? Kahit na punuin ninyo ng relihiyon ang pagkatao ninyo wala pa rin kayong pag-asa. Alam na ninyo ‘yan. Ilang taon na akong nangangaral niyan. Ilang taon na akong pabalik-balik na idinidiin iyan dahil iyan lamang ang bagay na mahalaga kapag kayo ay magbabasa ng Salita ng Panginoon.
Ang Salita ng Panginoon ay ang Luma at ang Bagong Tipan. Ito ay binuo ng mga kuwento. Ito ay binuo ng mga buhay ng mga sinaunang tao na pinili. Ang ibig ko sabihin ay maaari ninyo itong mababasa mula sa Genesis hanggang Revelation o Pahayag. Ilang mga salita ang isinulat dito sa talata? Hindi ko ganap na alam, ngunit libo-libong mga talata ang naibuo mula sa Luma at Bagong Tipan.
DALAWANG MAHALAGANG KAUTUSAN NA SASAKLAW SA LUMA AT BAGONG TIPAN
Huwag kayong malito sa inyong sarili sa napakaraming talata na naisulat dito, kagaya ng pagkalito ng ibang relihiyon at denominasyon sa kanilang sarili dahil sa napakasalimuot na pagsasala-sala na inyong matatagpuan. Subukang hanapin ang hibla ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga talatang ito. Maaaring malito kayo at minsan ay nawawala kayo sa daan sa pagkalito. Ngunit gagawin ko itong simple para sa inyo.
Huwag ninyong lituhin ang inyong sarili sa napakaraming talata, maraming mga salita ang isinulat sa mga Kasulatan ngunit mayroon lamang kakaunting mga bagay na kailangan niyo malaman na magsasaklaw sa kabuuang kaalaman ng Salita ng Panginoon, mula sa Luma at sa Bagong Tipan.
Mayroon lamang dalawang kautusan na hahawak sa lahat ng ito at iyan ang mahalaga na inyong malaman. Hindi ninyo kailangan ang lahat ng talata. Si Satanas na si Lucifer, ang demonyo ay minsan gumagamit ng mga bulaang apostol, mga bulaang ministro upang akitin kayo sa maraming mga bersikulo; ngunit ang maraming bersikulo na ito, saan ito tutungo? Ano ang resulta ng inyong pagsaulo sa lahat ng mga bersikulong ito? Ano ang layunin at resulta ng pagsaulo sa lahat ng mga ito? Ngunit saan ito patutungo? Ito ba ay patungo sa layunin ng pagsunod ninyo sa Kalooban ng Ama? Kung hindi, lahat ng bersikulo na inyong isinaulo ay walang kabuluhan. Kahit nga ang demonyo ay saulado ang Bibliya.
Alam ba ninyo na ang demonyo ay saulado ang Bibliya higit pa sa inyo? Nalalaman niya dahil siya ay dating anghel. Nalalaman niya ang 1/3 ng sekreto ng Langit. Nalalaman niya ang Bibliya higit sa inyo. Maaari niyang mabanggit ang mga bawat bersikulo. Ngunit ang katanungan na umaaligid sa isipan ng tunay na naghahanap ay, “Saan ito patutungo? Ano ang maituro nito sa akin? Saan ako makararating sa lahat ng mga bersikulong ito?”
Kapag hindi kayo makararating sa paggawa ng Kalooban ng Ama, na siyang napakasimple, maaari ninyong masaulo ang Bibliya mula sa magkabilang pahina at pabalat sa pabalat, ngunit hindi ito makapagliligtas sa inyo.
Sa Kaharian, bilang Kanyang pinadala, isang Pinili-Hinirang na Anak, ginawa kong simple ang lahat ng bagay para sa inyo at ako ang inyong modelo. Anumang bagay na inyong nabasa; anuman ang inyong sinaulo mula sa Salita ng Panginoon; anumang inyong pinag-aralan; anumang mga bersikulo na matatagpuan ninyo sa Salita ng Panginoon, kung hindi nila kayo tinuruan ng PAGSUSUNOD sa mga Salitang iyon, ang inyong Bible study, ang inyong pinag-aralan, ang inyong memorya, ang inyong sinaulo na mga talata ay walang silbi.
ANG PAKSA NG PAGSUNOD SA KALOOBAN NG AMA
Dito sa Kaharian, ang paksa na iniiwasan ng relihiyon at denominasyon ay mahalagang paksa dito sa atin dahil ang ating layunin at ang layunin ng Ama ay nagbigay sa atin ng tunay na kaligtasan, at iyan ay ang pagsunod sa Kalooban ng Ama. At bago kayo makasusunod, kailangan muna ninyong palitan ang inyong espiritu.
Kapag kayo ay isinilang sa laman, kayo ay may katawan at isang kaluluwa at sa kusa, ang espiritu ng demonyo ay ang espiritu na inyong namana. Iyan ang espiritu ng hindi pagsunod. Iyan ang binhi ng serpente. Kusang namana ninyo iyan. Kaya sa bawat araw, lahat ng isinilang, ito man ay lalaki o babae, sila ay pagmamay-ari na ni Satanas. At ang makademonyong espiritu na iyan ay naghihintay na makapanahanan sa katawan.
Kaya nang ang ating Dakilang Ama, ang ating Panginoon na si Jesus Christ, nakaraang 2,000 taon ay dumating upang wasakin ang sistemang ‘yan, wasakin ang kapaligiran ng paglinlang ng demonyo na ating namana, Kanyang sinabi, “Nais ba ninyong pumasok sa Kaharian ng Panginoon? Nais ba ninyong maligtas? Kailangan ninyo na maisilang muli sa espiritu,” magkaroon ng bagong espiritu. Ano ang espiritu na iyan? Ang espiritu ng pagsunod sa Kalooban ng Ama. Hindi ito sa inyo, ito ay isang handog. Ito ay isang handog kapag kayo ay susuko sa espiritu na inyong namana nang kayo ay isinilang.
ITUTULOY