Ni Melrose Manuel
NAKASAILALIM na simula ngayong araw sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bacolod City at Lanao Del Sur.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ni COVID-19 Policy Chief Implementer Carlito Galvez Jr. sa isinagawang pulong kagabi.
Batay sa resolusyon, mananatili sa MECQ ang Bacolod at Lanao del Sur hanggang sa Setyembre a- trenta.
Bunsod ito ng ulat ng pagtaas ng COVID-19 infections sa naturang mga lugar.
Bukod sa nasabing mga lugar, mananatili rin sa MECQ hanggang sa Setyembre 30 ang Iligan City.
Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa Modified General Community Quarantine at GCQ hanggang sa katapusan ng buwan.
Kaugnay nito, suspendido muna ang inbound travels ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Western Visayas, Iligan City at Lanao del Sur upang bigyan-daan ang kanilang mga health personnel na makabawi at maihanda ang mga isolation facility.