Ni Melrose Manuel
MAGBUBUKAS na ang Baguio City sa turismo.
Sa naging panayam ng SMNI News, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sa Setyembre 21 ay magsisimula na ang ‘tourism bubble’ sa syudad.
Tinanggal na rin ang passes na ipinatutupad ng local government sa lugar at iba pang mga health measures para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.
Pinapaalalahanan naman ni Magalong na magpapatupad parin sila ng istriktong health protocols sa mga turistang mula sa labas ng buong Region 1 at Baguio City.