Ni Melrose Manuel
COMMUNITY service ang magiging parusa sa mga violators ng curfew at quarantine protocols.
Ito’y ayon kay Joint Task Force COVID-Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar para maiwasan na rin ang pagsikip sa mga detention facility.
Tutulong ang mga ito ani Eleazar bilang manpower sa mga proyekto at programa ng mga LGUs gaya ng paglilinis at pagpapaganda ng mga nasirang school facilities.
Sa lahat naman na pinagmumulta, ang perang makalap ay idadagdag para sa COVID-19 response ng mga LGU.
Wala nang warning na ibibigay ang pulis sa mga lalabag dahil matagal na aniya itong ipinatutupad.