Ni MJ Mondejar
TINIYAK ni Environment Sec. Roy Cimatu na hindi delikado sa kalusugan ang dolomite sand na inilagay sa Manila Bay bilang bahagi rehabilitasyon nito.
Sa budget hearing ng DENR sa Kamara ay siniguro ni Cimatu na bago nila inilagay ang dolomite sand ay ikinonsidera nila ang benepisyo at posibleng banta nito sa kalusugan.
Suportado naman ng mga mambabatas ang paliwanag ng DENR.
Hindi rin naman aniya agad mawawala ang tinambak na dolomite bunsod ng alon dahil sa technical study na kanilang isinagawa.
Sa kabuuan, gumastos P28 million ang DENR sa pagbili ng dolomites galing Cebu.