Ni Vhal Divinagracia
SINALUBONG ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang labing- anim na Filipino seafarers at tatlong land-based overseas Filipino workers mula China kahapon.
Labing isa mula sa labing-anim na seafarers ay mula sa Ocean Star 86 na stranded pa noong Marso sa Dongshan.
Ang natitirang lima naman ay sa M/V Maria P. na stranded sa Ningde noon pang Hulyo.
Sumailalim naman ang lahat sa reverse transcription- polymerase chain reaction tests at negatibo naman ang mga ito mula sa COVID-19.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sara Lou Arriola, nakahanda ang Duterte administration na sumuporta para makauwi ang lahat ng OFWs lalong-lalo na ang seafarers dito sa Pilipinas na ligtas.