Ni Vic Tahud
MAGTATANGGAL ng 28,000 empleyado sa parke ang Walt Disney Co. dahil sa kaunting bilang ng mga bisita dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa ngayon, bagama’t balik operasyon na ang Disney Land, ‘di pa rin ito maaring tumanggap ng 100% capacity upang maobserbahan ang social distancing.
Maging ang Disney Park ay naapektuhan din ng nasabing pandemya kung saan ‘di pa rin pinapayagan ng Amerika na magsagawa ng operasyon.
Ayon naman kay Josh D’amaro, chairman ng parks unit, mahirap para sa Disney ang magtanggal ng trabahante, parks, experiences at product segment ngunit kinailangan gawin dahil sa pandemya.