PINAS TEAM
NADAGDAGAN kahapon ng 20,021 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa sa nakalipas lamang na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 286,743 matapos itong madagdagan ng 3, 311 kahapon.
Mula naman sa kabuuuang bilang, 51,894 ang naitalang aktibong kaso.
Dahil sa mahigit 20,000 na gumaling, sumampa na sa kabuuang 229,865 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.
Nadagdagan naman ng 55 ang nasawi sa COVID-19 sa bansa dahilan para umakyat pa ang bilang ng mga namatay sa 4,984.