Ni Vhal Divinagracia
“Dapat ayusin na ang finances ng ating bansa”.
Ito ang naging payo ni financial coach at best-selling author Chinkee Tan sa panayam ng Sonshine Radio.
Ayon sa kanya, dapat na umanong bawasan ang pera na inilalabas ng pamahalaan dahil pwede naman itong makontrol.
Advise pa ng financial coach, panahon na ring dumiskarte na ang bansa para madagdagan ang income at nararapat na rin umanong magbukas na ang ekonomiya.
Aniya, kailangan na rin ng bansa na mag-adjust at mag-adapt.