PINAS TEAM
UMABOT na sa 8,494 ang bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19 ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 12.
Ayon sa ahensiya na 1,140 ang nadagdag na kaso sa mga health worker sa nakalipas na mga linggo.
Base sa daily COVID-19 report, sinabi ng DOH na nasa 7,710 na ang gumaling na health workers matapos itong madagdagan ng 1,094 habang umakyat na sa 65 ang death toll matapos makapagtala ng 16 new fatalities.
Nasa 728 medical workers naman ang active COVID-19 cases at sumasailalim sa treatment o quarantine.
Kabilang sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga medical professions ay mga nurse na may 2,935 infections, mga doctor na may 1,613, nursing assistants na may 656, medical technologists na may 383, at midwives na may 192 cases.
Kabilang din sa mga nahawaan ng coronavirus ang mahigit 500 na iba pang non-medical personnel gaya ng utility workers, security guards, at administrative staff.