Ni Pat Fulo
ISASAILALIM sa General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw, Setyembre a-24 ang Iloilo City.
Ito ay sa bisa ng executive order na pinirmahan ni Mayor Jerry Treñas alinsunod sa rekomendasyon ng COVID team ng lungsod.
Paiiralin ang GCQ sa buong Iloilo City sa loob ng 15 araw o hanggang Oktubre a-8.
Dahil dito, ipatutupad din ang city-wide curfew na alas-8:00 ng gabi.
Habang ibabalik ang liqour ban at pagbabawal ng pagsasagawa ng face to face conference at training.
Sa ngayon ay nasa 436 pa rin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Iloilo City.