PINAS TEAM
UMABOT na sa 80% ang naka-recover na mga persons deprived of liberty (PDLS) na tinamaan ng coronavirus (COVID-19).
Ayon sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mula sa 1,151 na kaso ng COVID-19 sa mga preso ay 175 na lamang ang active cases o kasalukuyang ginagamot habang 918 na ang naka-recover.
24 oras umano nilang tinututukan ang mga may sakit na preso upang matiyak ang kapakanan ng mga ito.
Pinalawig din ng BJMP ang Electronic Dalaw o “e-Dalaw” upang mabigyang lakas ang mga may sakit sa pagkikipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sinisiguro naman ng BJMP na magpapatuloy ang ipinapatupad na precautionary measures laban sa COVID-19 virus upang hindi ito makapasok sa bilangguan.