Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa mahigit 24 milyon ang bilang ng mga nag-enroll na mag-aaral sa buong bansa.
Batay ito sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang ngayong araw, Setyembre 2.
Sa naturang bilang, mahigit 22 milyon ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan at mahigit 1.9 milyon naman sa mga pribadong paaralan.
Nananatiling may pinakamaraming enrollees sa region 4A na may mahigit 3.2 milyon.
Sinundan ito ng Region 3 at National Capital Region (NCR) na may tig-2.5 million enrollees.
Nakatakdang magbukas ang School Year 2020-2021 sa Oktubre 5.