Ni Kristine Labadan
MAPA-TAONG bahay ka man o mahilig na lumabas, ito na ang oras para maglaan ng panahon para panatilihing malinis at presko ang iyong mukha sa pamamagitan ng mga subok at aprubadong paraan sa pangangalaga ng kutis.
- Maglinis nang mabuti
Laging linisin nang lubusan ang mukha pagkagising at bago matulog sa gabi. Gumamit ng panglinis sa mukha na may 2 percent salicylic acid kung ikaw’y may oily na balat. At syempre’y ‘wag kakalimutang maghugas ng mga kamay bago hawakan ang iyong mukha upang maiwasang malagyan ng oils ang iyong mukha mula sa iyong mga daliri.
- Kumain nang tama
Iwasan ang mga mamantikang pagkain hangga’t maaari. Ang mga maaanghang na pagkain at cocktails ay magpapaluwang ng iyong blood vessels dahilan para ikaw’y pagpawisan. Imbes na uminom ng alak ay tustusan na lamang ng mga pagkaing mayaman sa Bitamina A ang katawan tulad ng carrots, melon at spinach.
- Mag-exfoliate
Isagawa ito dahil nakakatulong ito sa pagbabawas ng oil sa mukha na maaaring sundan ng paggamit ng face mask. Gawin ito sa loob ng isa hanggang dalawang araw sa isang linggo upang mapanatiling oil-free ang iyong mukha.
- Dalasan ang pag-inom ng tubig
Maliban sa mahiwagang taglay ng tubig na nakakatulong sa mabilis na paggaling mula sa isang karamdaman, ito rin ay may malaking benepisyo lalong-lalo na sa anyo ng balat at magpapakita kung ito ba’y malusog o hindi.