Ni Vic Tahud
NAGPAHAYAG ng pagtataka si Atty. Domingo Cayosa, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines sa desisyon ng Ombudsman na hindi lahat papayagan na makakuha ng Statement of Assets, Liabilities and Networth ng mga opisyal ng gobyerno.
“Well, kami pong hanay ng mga abogado ay kagaya ninyo ay nagtataka at nalulungkot na tila bagang ‘yong constitutional provision, hindi lamang batas, section 7, article 3 ng constitution, nagsasaad ho na kasama doon sa polisiya ng public accountability for government employees and officials to live modest life with absolute integrity and honesty,” ayon kay Cayosa sa ginawang panayam ng Sonshine Radio.
Sinabi ni Cayosa na sa ilalim ng probisyon ng gobyerno, nakasaad na lahat ng kawani ng gobyerno ay dapat mag-sumite ng SALN.
Layunin umano ng SALN ay upang ma-monitor ang sobrang pagyaman ng isang opisyal na higit sa kanyang kinikita.
Aniya ito ay isang step backward para sa isinusulong ng pamahalaan na Freedom of Information Bill kung kaya dapat itong ma-acces ng publiko upang malaman kung nagnakaw ba ang isang opisyal.