Ni Melrose Manuel
MULA sa chairman of the board hanggang regional vice presidents ang posibleng mapapatawan ng kaso kaugnay sa anomalya ng PhilHealth.
Ito ang inihayag ni Cong. Jesus “Boying” Remulla sa eksklusibong panayam ng SMNI News.
Matatandaang batay sa ilang hearing na isinagawa ng Kongreso kaugnay sa PhilHealth, aabot sa 16 billion pesos o mahigit pa ang maaaring naibulsa ng mga tiwaling opisyal mula sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM ng mga ospital.
Kaugnay dito ani Remulla, dahil sa bigat ng anomalya ay maaaring aabot sa kasong plunder ang maipapataw.
Hanggang apatnapung taon naman ang isang indibidwal na makukulong kung sakaling makakasuhan ito ng plunder.