PINAS TEAM
“I offered to resign as president”, ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pre-recorded na public address kagabi.
Ayon sa pangulo, ipinatawag na niya noon ang lahat ng miyembro ng gabinete para mag-alok ng resignation dahil sa matinding korupsyon sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ng pangulo na handa siyang humarap sa Kongreso para pag-usapan kung paano malalabanan ang korupsyon at para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa.
Iginiit ng presidente na dapat limitado lang sa tatlong araw ang pag-aasikaso sa mga dokumento.
Nagbabala rin ang pangulo na papangalanan ang isang opisina ng gobyerno na mayroong mga nakabinbing dokumento sa loob ng ilang taon na.
Samantala, sa halip na bumaba sa pwesto, kailangan lamang ipagpatuloy ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad nito ng anti-graft and corruption law sa parehong ka-partido at oposisyon nito.
Ito ang naging komento ni Senator Panfilo Lacson, aniya maaari lamang na tumigil ang korapsyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng salita at babala ngunit kailangan itong suportahan ng political will at kongkretong aksyon.