Ni Melrose Manuel
KINUMPIRMA ng Qatar na opisyal itong nagsumite ng mga dokumento upang mag-host sa 2027 Asian Cup.
Ang mga dokumento ng bansa ay ipinadala sa Asian Football Confederation Headquarters sa Kuala Lumpur sa pamamagitan ng Qatar Ambassador na nasa Malaysia.
Maliban naman sa Qatar, ang ibang AFC member na nagpakita rin ng intensyon sa pagho-host ng 2027 Asian Cup ay ang India, Iran, Saudi Arabia at Uzbekistan.
Samantala, ang host nation naman para sa ika-labing siyam na Asian Cup ay iaanunsyo sa susunod na taon.