Ni Quincy Joel Cahilig
MILYON-MILYON na ang na-infect ng COVID-19 virus sa buong mundo at patuloy pang tumataas ang mga numero habang nakaantabay ang lahat sa pagtuklas ng bakuna. Patuloy din ang dagok ng pandemya sa takbo ng ekonomiya ng maraming bansa, kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey nitong Hulyo, sumipa sa 45.5 porsyento ang joblessness rate sa bansa. Ibig sabihin, 27.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. At sa gitna ng crisis, marami sa mga naturally cheerful na mga Pinoy ang tila nasisiraan ng kalooban.
Batay sa SWS survey, 30 porsyento ang naniniwalang hindi magbabago ang kalagayan ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan. Samantalang, 26 porsyento ang nananatiling positibo ang pananaw.
Batid ng Malakanyang na pinilay ng COVID-19 pandemic ang takbo ng kalakalan sa buong bansa dahil sa quarantine restrictions na kinakailangang maipatupad upang maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na sakit.
Bilang tugon sa matinding hamon na ito, inilunsad ng Duterte administration ang Recharge PH program. Ito ay recovery plan ng gobyerno kung magtutulungan ang bawat sektor ng lipunan para
sa pagbangon ng bansa.
“It is for this reason government economists have prepared a whole-of-society program in our recovery plan called Recharge PH to mitigate its impact,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang Recharge PH ay binalangkas ng National Economic and Development Authority (NEDA) upang pabilisin ang pagpapatupad ng mga programa sa ilalim ng 2020 General Appropriations para maibsan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya tungo sa pagbangon ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa Development Budget Coordination Committee press briefing, binigyang diin ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua na tututukan ng pamahalaan ang pagbalanse ng pagliligtas ng mga buhay mula sa virus at sa kagutumang dulot ng pagkawala ng mga trabaho.
“As we build a healthier and more resilient Philippines, there are three areas to focus on: expanding economic opportunities, improving the capability of Filipinos to adapt under the new normal, and ensuring people-centered, clean, technology-enabled, and responsive governance amid the pandemic,” sabi ni Chua.
Pangungunahan ng NEDA ang recovery program katulong ang sub-task groups: Department of Trade and Industry (Economic Recovery), Department of Social Welfare and Development (Social Recovery), at Department of the Interior and Local Government (Governance).
Titiyakin ng mga ito na maayos na maipapatupad ang mga programa, gayun din ang pagbibigay ng mga rekomendasyon upang mapahusay pa ang mga serbisyo.
Nakapaloob sa Recharge PH ang “Ingat Buhay para sa Hanapbuhay” campaign para tulungan ang mga indibidwal na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya. Magpapatuloy din ang Build Build Build mega infrastructure program dahil malaki umano ang maiaambag nito sa economic recovery.
Aminado ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi magiging madali ang pagbuhay muli sa ekonomiya ng bansa. Kaya naman nananawagan ang NEDA ng suporta mula sa bawa’t mamamayan.
“The government needs the utmost cooperation of the public, the business sector, and civil society in restarting socioeconomic activities while preventing the spread of the virus, and mitigating the ill-effects of this pandemic,” wika ni Chua.
TEKNOLOHIYA, MALAKING TULONG SA PAGBUHAY SA EKONOMIYA
Kung mayroon mang mabuting bagay na naidulot ang COVID-19 pandemic, ito ay ang pagbibigay pansin ng lahat sa kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa takbo ng buhay ng mamamayan. Kaya marapat na gamitin ang teknolohiya para tulungan ang naghihingalong sektor ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) sa bansa. Ito ay iminungkahi ni Vice President Leni Robredo sa Duterte administration sa kanyang latest na mensahe sa publiko.
“Kailangan din ng isang malawakang programa para matulungan ang maliliit at community-based na negosyo na bumuo ng online presence… Karugtong nito, kailangan ding padaliin ang pagbubukas ng account sa bangko, at tulungan ang lahat na makapag-sign up sa mga digital modes of payment. Kung magagawa ito, mapapanatili ang daloy ng ekonomiya, habang iniiwas ang mga bumibili sa banta ng COVID-19, mungkahi ni
Robredo.”
Naniniwala rin ang Pangalawang Pangulo na sa pamamagitan ng teknolohiya ay makapagbubukas ang gobyerno ng job opportunities sa mga nawalan ng trabaho habang binabaka ang pandemya.
“Dagdag pa sa paggamit ng teknolohiya, i-harmonize ang cash-for-work programs sa mga pangangailangan para sa COVID. May mahigit 15 million na katao sa listahan ng DSWD; maaaring
i-hire ang marami sa kanila, through the LGU, para makatulong sa contact tracing. Kung magagawa ito, tataas ang kapasidad natin for contact tracing at maaampat ang pagkalat ng COVID-19, wika ni Robredo.”
PINAS MAKAKABANGON AGAD
Mataas ang kumpiyansa ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na, di gaya ng ibang mga bansa, makakabangon agad ang Pilipinas dahil sa sapat na monetary at fiscal space, na bunga ng mga ipinatupad ng gobyerno na structural reforms, sound economic management, improved debt ratios, at increased foreign exchange reserves sa nakalipas na 20 taon.
“We have taken blows, such as a drop in gross domestic growth but the Philippines is poised to recover quickly as our public health efforts bear fruit,” pahayag ni Diokno.
Gaya ni Robredo, naniniwala rin si Diokno na malaki ang magagawa ng “Digitalisation” sa pagpapabilis ng financial services lalo na sa mga malalayong lugar kung saan walang mga bangko. Sa makabagong teknolohiya aniya nakasalalay ang pagpapabilis ng income growth ng bansa.
“While the economy is not out of the woods yet, the Philippines is poised for a strong recovery. I am confident, and not only because of our resilience as a people, which we displayed in the Asian and global financial crises. This challenge is far greater, but our institutions and economic fundamentals are stronger than ever,” wika ni Diokno.