Ni Melrose Manuel
HINDI na papapasukin sa gusali ng Senado ang walang medical certificate na nagpapatunay na hindi sila kontaminado ng coronavirus disease.
Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, inirekomenda ito ng kanilang medical bureau para sa lahat ng mga resource person o bibisita sa Senate building para dadalo sa kanilang mga hearing.
Isusumite naman ang nasabing medical certificate sa Sergeant at Arms isang araw bago magtungo sa Senado.
Obligado naman ang lahat na magsuot ng facemask at face shield at istriktong pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.