PINAS TEAM
NAGKAROON ng African Swine Fever (ASF) sa ilang bahagi ng Germany na nakaaapekto sa kalusugan ng mga wild boar.
Bunsod nito ay pinatawan ng Department of Agriculture (DA) ng temporary ban ang pagpasok ng pork products mula sa bansang Germany.
Wala munang papayagang importasyon sa anumang pork products mula sa naturang bansa.
Ang mahuhuling shipments ng pork at pork products galing sa Germany ay kukumpiskahin ng Bureau of Animal Industry (BAI).