Ni Melrose Manuel
MARAMI ang tumutuligsa sa disisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kaso ni US Marine John Scott Pemberton.
Ayon kay Presidential Counsel Sec. Salvador Panelo, na nagpapabango lamang ang mga ito dahil malapit na ang eleksiyon sa bansa.
Ito ang mainit na banat ni Panelo sa naging panayam ng SMNI News sa mga bumabatikos sa naging hakbang ng presidente sa kaso ni US Marine John Scott Pemberton.
Aniya, mga naghahanap lamang ang mga ito ng maibabato sa ikasisira ng kasalukuyang administrasyon.
“Unang-una, yung mga maiingay na iyan, malapit na kasi ang eleksyon. Pangalawa, yung mga nandiyan, yung mga mahihilig pumuna, mamintas, mag-criticize – alam mo iyan, naghahanap na ‘yan palagi ng issue na they can pounce on the president and on the government. ‘yan naman ang mga hinahanap ng mga iyan” ani Sec. Salvador Panelo, Chief Presidential Legal Counsel.
Malinaw naman aniya na nakasaad sa saligang batas na may kapangyarihan ang pangulo na magbigay ng pardon sa kahit sinumang convict.
Punto pa ni Panelo na hindi na kailangan pang magpaliwanag ng pangulo sa naging desisyon nito.
Ginawa aniya ito ng punong ehekutibo dahil may nakita itong injustice.
“Ang penalty is 10 years. Yung sa kanila, ayaw nilang isama yung unang-una yung preventive detention niya. Hindi pa siya naka-demanda, nakakulong na iyan. Pangalawa, yung mayroon tayong credit sa good conduct. Sabi ng abogado,”dagdag pa ni Panelo.
Samantala, nai-transmit na sa Bureau of Corrections ngayong araw ang release order ni US Marine Joseph Scott Pemberton na pirmado ni Pangulong Duterte.