Ni Justine Nazario
ILALABAS na ni Heart Evangelista ang mga unreleased songs niya makalipas ang 15 taon mula pa noong 2005.
Magugunita na sa nakaraang 15 taon ay nagbahagi ng snippets ang aktres ng kanyang iprinodyus na kanta sa social media na ikinabitin ng mga fans nito. At ngayon napagdesisyunan na ng aktres na ilabas na ito sa publiko.
Hindi na makapaghintay si Heart na i-release ito maging ang kanyang mga tagahanga.