Ni Vic Tahud
MALABONG maisakatuparan sa ngayon ang 100% online voters registration dahil wala pang teknolohiya ang Commission on Election (COMELEC) para makuha ang fingerprint, litrato at pirma ng mga aplikante.
Ayon kay COMELEC Director James Jimenez sa panayam ng Sonshine Radio, sa kabila nito ay maari pa ring mag-fill up ng form sa pamamagitan ng online.
“Yong mga aplikante natin, magpa-fill up na nila ‘yong form online, punta na lang sila ng COMELEC para magpa-biometrics,” wika ni Jimenez.
Sa kabila nito, aabot sa 75% complete ang gagawing proseso sa pamamagitan ng online dahil biometrics na lamang ang gagawin ng aplikante sa COMELEC.
Makatutulong ang pag-fill up ng form sa online lalo na ngayong panahon ng pandemya.