Ni Karen David
IREREKUMENDA ng Metro Manila Council (MMC) ang pag-adjust sa age restriction na maaaring lumabas sa kanilang mga bahay sa gitna ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Mula sa kasalukuyang 21 hanggang 60 years old, nais ng MMC na gawin itong 18 hanggang 65 years old.
Sa kabila nito, sinabi ni MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na nais ng mga alkalde na panatilihin ang curfew hours mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Mananatili naman aniyang exempted ang mga manggagawa at iba pang authorized persons outside of residence (APOR) mula sa curfew.
Samantala, ipinakokonsidera rin ni Olivarez sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng adjustment sa mga operasyon ng public utility vehicles (PUVs) para maraming pasahero ang ma-accommodate.