Ni Arjay Adan
NAKATAKDANG ituloy ng Baguio City ang layunin nito na maging kauna-unahang Smart City sa bansa dahil sa mga nakalinya nitong technological investments.
Nakipagtulungan ang summer capital ng bansa sa tech company na CISCO upang makagawa ng Integrated Command and Control Center.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, layon niyang maging Smart City ang lugar kung saan ang iba’t ibang klase ng electronic methods ay ginagamit upang ayusin ang asset, resources ng Summer Capital City at makapagbigay ng mas epektibong serbisyo sa publiko.
Dahil sa inobasyong ito, magagawa nang mabantayan at rumesponde ng siyudad sa mga insidente na makakapagpabuti sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga residente nito.