Ni Vic Tahud
HINDI lamang ngayong pasukan ng mga estudyante namahagi ng mga nakumpiskang kontrabando ang Bureau of Customs (BOC), noong pagsimula pa lamang ng pandemya sa bansa ay namigay na ito sa mga nangangailangan.
Ito ang inihayag ni BOC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla sa panayam ng Sonshine Radio.
“Ngayon pandemic, medyo hindi naman po ito ang first time. In fact, during the early days of the pandemic, nakapamigay na rin po kami ng mga bigas, ‘yong mga na-confiscate po natin na mga container ng bigas. Tapos nakapamigay din po kami ng mga isda para magamit po ng mga kababayan natin na medyo kinakapos,” ani Maronilla.
Hindi lamang ‘yan, nagbigay ang ahensya ng mga sasakyan sa mga government agency na nangangailangan ng sasakyan para sa kanilang mga trabaho, ito ay mula sa Port of Aparri.
Sa ngayon, nakatakda nang i-donate ng port of clark ang aabot sa mahigit na animnaraang mga gadget para sa department of education.
Dagdag pa ni atty. Maronilla, maging ang iba’t ibang port ng bansa ay nag-iimbentaryo na rin para maidonatei na sa lalong madaling panahon ang mga gadget sa deped para magamit ng mga estudyante sa online learning.