Ni Vic Tahud
NAGDAGDAG ng 30% capacity ang Metro Rail Transit Line 3, Light Rail Transit Line 1, Light Rail Transit Line 2, Philippine National Railways umpisa ngayong araw.
Ang pagdagdag na ito ng Department of Transportation (DOTr) ay balak pang pataasan hanggang pitumpung porsiyento.
Sa ngayon, maari nang makapagsakay ng 372 na pasahero ang MRT 3 kumpara sa dati na 153 na pasahero lang ang maaring makasakay. Tatlong daan at pitumpo (370) naman ang maaring magkasya sa mga tren sa LRT 1, apat na daan at walumpu’t anim (486) pasahero naman ang para sa LRT 2.
Bukod pa sa MRT at LRT, kabilang din sa magdaragdag ng kapasidad ang iba’t ibang tren ng PNR.