Ni Angel Pastor
UMAASA ang Public Attorney’s Office (PAO) na tuluyan nang mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng Dengvaxia vaccine matapos ibaba ang kautusan ng Supreme Court para resolbahin ito sa ilalim ng One Dengvaxia Criminal Court.
Ito ang inihayag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta sa eksklusibong panayam ng SMNI News.
Ayon kay Acosta, umaabot na sa 158 na mga bata ang sinailalim sa autopsy ngunit nasa 57 pa lamang ang naihain nilang kaso laban sa Dengvaxia.
Habang may karagdagang 102 Dengvaxia case ang nakatakdang isampa ng PAO sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na buwan ng Nobyembre.
Nilinaw din ni Acosta na hindi dapat sa Metropolitan Trial Court o MTC lang inihahain kundi sa Regional Trial Court (RTC) lalo na at mga minor ang mga nabiktima rito batay sa Family Court Act.