Ni Melody Nuñez
AYON sa datus ng Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit sa kalahating milyong mga Filipino workers (OFWs) ang na-displaced dahil sa pandemya sa ibang bansa.
Tinataya namang nasa 1.1 milyon sa mga OFW ang hindi na nakabalik o nai-deploy sa ibang bansa simula noong buwan ng Enero.
Ayon sa DOLE, as of October 20, tinatayang 505,837 OFWs ang apektado sa pandemya kabilang na dito ang 864 na nasawi mula sa 9,402 na OFW na may kaso ng COVID-19. Nasa kabuuang 496, 435 naman ang nawalan ng kanilang trabaho dulot ng global economic shutdown.
Dagdag pa ng ahensya, nasa 260,575 distressed OFW na ang naiuwi sa bansa habang 131,047 ang patuloy pang naghintay ng kanilang repatriation. Nasa 104,813 naman ang piniling manatili sa ibang bansa sa dahilang walang katiyakan ang pamumuhay nila sa Pilipinas.