Ni Vic Tahud
SANG-AYON ang Department of Health (DOH) sa prediksyon ng University of the Philippine OCTA Research na maari ngang madagdagan ang kaso ng COVID-19 sanhi ng muling pagluwag sa mga patakaran sa mga public utility vehicle.
Ito ang inihayag ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum.
“Kasabay nang pagbubukas natin unti-unti ng ating ekonomiya and other sectors of society, we expect no? At kasama po yan sa risk na ating minamanage ngayon, itong pagtaas ng kaso kung saka-sakali.”
Ani Usec Vergeire, bagama’t batid ng DOH na nandirito pa rin ang virus sa bansa, ‘di naman din maari na naka-lockdown habambuhay ang bansa.
Sa kabila nito, dapat pa rin sumunod ang mga tao sa mga protocol upang hindi na tuluyang dumami pa ang kaso ng COVID-19.