Ni Arjay Adan
HANDANG pakinggan ng Department of Transportation (DOTr) ang proposals ng iba pang automatic fare collection system providers sa kalagitnaan ng hindi pa nareresolbang usapin sa kasalukuyang operator nito.
Ito ang unang ginawa ng DOTr matapos nitong suspendehin ang mandatory na paggamit ng beep cards sa kahabaan ng EDSA busway matapos na hindi pumayag ang AF Payments Inc., na babaan ang halaga ng beep cards.
Umani ito ng batikos matapos na i-require ang mga pasahero nito na bumili ng cards na nagkakahalaga ng 180 pesos bago pa sila makasakay ng bus.
Ayon kay Transportaion Goddes Libiran, ang lahat ng posibleng providers ay dapat na makapagbigay ng sistema na bukas at handa para sa integration at interoperability.
Sinabi rin ni Biliran na sa ngayon pansamantala nilang sususpendihin ang ‘No Beep Card No Ride Policy’ at binubuksan nila ang kanilang pinto para sa iba pang providers.