Ni Marileth Antiola
HINDI lingid sa ating kaalaman na marami ang nakakaranas ng matinding stress lalo na sa mga estudyante at mga empleyado na ang nagiging resulta ay burn out.
Ang burn out ay kung saan ang tao ay nakakaranas physically, emotionally and mental exhausted na dulot ng matindi at mahabang stress. Isa ito sa nagiging dahilan kung bakit nagiging negatibo ang pag-iisip ng isang tao, mababang energy, nawawalan ng pagasa at kung minsan ito rin ang dahilan ng pagbaba ng kalidad ng trabaho ng isang manggagawa.
Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin upang makaiwas sa burn out:
MAKISALAMUHA SA MGA KATRABAHO
Madalas tayong nakakaramdam ng stress sa trabaho, kaya importante rin na makisalamuha tayo sa ating mga katrabaho. Kagaya ng pagbati pag nagkakasalubong, pakikipag-usap at pakipagkwentuhan sa kanila, at pakikipagbonding, minsan sumama ka sa kanila kapag niyaya ka nila na kumain at uminom sa labas.
UMIWAS SA MGA NEGATIBONG TAO
Lumayo sa mga negatibong tao dahil hindi makakatulong ang pakikisalamuha mo sa mga ganun klaseng tao dahil lalo ka lang mabu-burn out at maii-stress.
SAPAT NA PAGTULOG
Kinakailangan ng iyong isip at katawan ng sapat at wastong oras na tulog upang makapag-isip at makakilos ng maayos at naayon. Dahil kung ikaw ay walang sapat na tulog o puyat ikaw ay hindi makakapag-isip ng maayos.
MAG-ENJOY
Subukan na magrelax at mag-enjoy muna, kagaya ng pagkain sa labas at pagtatatravel sa magaganda at masasayang lugar.
Kung minsan hindi talaga maiiwasan ang burn out pero huwag mawawalan ng pag-asa, gawin ang mga bagay na ating tinalakay para maiwasan ang burn out.
Laging tatandaan na huwag kalimutang ngumiti at magpasalamat!