Ni Karen David
NILINAW ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II sa kanyang unang pahayag na hindi na masama ang internet speed sa bansa.
Ginawa ni Honasan ang paglilinaw at paghingi ng paumanhin sa isinagawang budget hearing sa panukalang pondo ng DICT para sa 2021 matapos itong punahin nina Senador Imee Marcos at Ping Lacson.
Ayon Honasan, hindi pa ganun kaganda ang internet speed sa Pilipinas pero sinusubukan nila na mapabuti ito.
Ipinaliwanag din ni Honasan na ang kanyang komento ay base lang sa kanyang personal na obserbasyon.
Matatandaang umani ng batikos sa mga netizen at ilang mambabatas ang pahayag ni Honasan sa isinagawang budget hearing sa House of Representative na ang internet speed na 3 hanggang 7 megabits per second (mbps) sa bansa kumpara sa 55 mbps sa ibang mga bansa ay hindi na masama.