Ni Pat Fulo
AARANGKADA na ngayong taon ang konstruksyon ng Malolos-Clark Railway sa Pampanga.
Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOtr) kasunod ng kanilang pagpirma ng kontrata sa mga kumpanyang mangangasiwa ng konstruksyon.
Ayon sa DOTr, naglalaman ng tatlong package ang railway project kungsaan ang 17 kilometrong first phase ng riles na mula Malolos Bulacan hanggang Minalin Pampanga ay gagawin ng Hyundai Engineering and Construction Company Limited, Megawide Construction Corporation at Dong-Ah Geological Engineering Co Ltd.
Ang second phase naman na may haba na 12 kilometro mula Minalin hanggang San Fernando Pampanga ay gagawin ng Acciona Construction Philippines at Daelim Industrial Company Ltd. Habang ang third phase na mula San Fernando hanggang Mabalacat Pampanga ay gagawin ng Italian-Thai Development Public Company Ltd.
Tinatayang aabot sa 1.7 bilyong dolyar o katumbas ng 80 bilyong piso ang inilaan na pondo para sa naturang proyekto.
Inaasahang matatapos at magiging operational ang railway project sa taong 2025.