PINAS TEAM
KINOKONSIDERA ng pamahalaan ng United Kingdom na iklian ang panahon ng mandatory quarantine period para sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Mula sa mandatory 14-day quarantine period ay posibleng maging sampu hanggang pitong araw na lang ito.
Kamakailan lang ay nagpahayag si Transport Secretary Grant Shapps na umaasa siya na mababawasan ang panahon na kailangang igugol ng mga taong kailangang mag-quarantine kapag dumating sila sa UK mula sa ibang bansa.
Aniya, pwede magpa-test sila isang linggo simula nang kanilang pagdating.
Ayon sa pamahalaan ng UK, ang daily 400,000 daily test ay mas mataas sa mga bansang France, Germany, Italy at Spain.
Samantala, matatandaang noong nakaraang buwang ay inanunsyo na si dating Sainsbury Chief Executive Mike Coupe ang magiging COVID-19 testing direct sa NHS test and trace ng England.